- Ang Batas Pambansa o Republic Act no.7832 Ay tinguriang “Anti – Electricity and Electric transmission line / Materials Pilferage act of 1994 o Batas laban sa pagnanakaw ng kuryente at mga linya/kagamitan na pang elektrisidad. Ito ay inaprubahan ni pangulong Fidel V. ramos noong ika-16 ng Enero 1995
- Nasasaad sa bagong batas na ito na ang pagnanakaw ng kuryente sa pamamagitan ng meter tampaering o anumang illegal na pamamaraan o pag gamit ng elektrisidad ay may mabigat na kaparusahantulad ng mga sumusunod;
- Prison Mayor – pagkabilanggo ng mula 6 na taon at 1 araw hanggang 12 taon o
- Multa(fine) – Mula P10,000.00 hanggang P20,000.00
Prison mayor o multang nabanggit o pareho ang maaring ipataw ayon sa hatol ng hukuman - Balik-Kwenta(Diffential Billing)- Diperensiya ng halaga ng dinayang kuryente at ng nasingil na naparehistrong kuryente para sa isa hanggang limang taon.
- Rekardo (surcharge)- Patong na singil hanggang 100%na kasalukuyang power bill
- Ang tinutukoy sa batas na “illegal connection” at “tampered meter” ay kagaya ng mga sumusunod:
- Ang walang pahintulot na direktang pagkabit ng kawad at mga linya ng kuryente.
- Ang walang pahintulot na pagkonekta sa linya ng anumang legal na serbisyo ng kuryente
- Paggamit ng jumper, current reversing transformer,shorting oshunting wire, loop connection, at iba pang kasangkapan o pamamaraan na magiging sanhi ng maling pangrehistro ng metro
- Tahasang pagsira ng metro, kawad at iba pang kagamitan upang ang metro ay hindimagrehistro ng taang konsumo sa kuryente.
- Nasasaad din sa naturang batas na ang pagnanakaw ng anumang electric transmission lines, mga materyales na may kaugnayan sa pamamahagi ng elektrisidad ay may kaparusahan na:
- Reclusion temporal – Pangkabilanggo ng mula 12 taon at 1 Araw hanggang 20 taon o
- Multa – mula P50,00.00 hanggang P100,000.00 o Pareho.
- Probisyon din ng bagong batas na ito na:
- Ang electric utility tulad ng ZAMECO I ay may kapangyarihan putulin ang serbisyo nagnanakaw ng kuryente nang walang kautusan mula sa hukuman;
- Walang writ of injunction o restraining order ang maaring itakda ng korte laban sa electric utility sa pagsasagawa ng pagputol ng serbisyo ng sino mang lalabag sa kautusang ito.
Anti-Pilferage Law
- Details
- Category: Activities
- Hits: 12702
BAYAD Centers








