
Magandang Balita!
Nais po naming ipabatid ang mga sumusunod na charges para sa billing period ng DECEMBER 2024 kumpara sa billing period ng NOVEMBER 2024.
Ang pagbaba ng rate per kilowatt-hour kumpara noong nakaraang buwan ay dahil sa pagbaba ng singil sa Generation Charge, Transmission Charge, Systems Loss Charge at Government Taxes.
Ang mga dahilan kung bakit bumaba ang Generation Charge ay ang mga sumusunod:
-Mababang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM)
-Pagbili ng kabuuang load ng ZAMECO I sa WESM.
Ano nga ba ang WESM o Wholesale Spot Market?
Ang WESM (Wholesale Electricity Spot Market) ay isang merkado kung saan ang mga kumpanya ng kuryente (mga generator sa sektor ng enerhiya at mga distributor) ay nagkakaroon ng transaksyon ng kuryente batay sa kasalukuyang presyo na itinakda ng supply at demand. Ibig sabihin, ang presyo ng kuryente ay maaring mag-iba iba o sa salitang ingles ay “Volatile”.
Karaniwan, ang presyo ng kuryente sa WESM ay tumataas kapag mataas ang demand o kapag may kakulangan sa supply ng kuryente, at bumababa naman kapag may sapat na supply at mababa ang demand. Ang mga presyo sa WESM ay maaaring makaapekto sa halaga ng kuryente na binabayaran ng mga end-users, na ipinapasa ng Distribution Utilities sa kanilang mga consumers.
Halimbawa, tuwing panahon ng summer o tag-init, inaasahan na ang mga consumer ay gagamit ng mga appliances tulad ng mga aircon at electric fan na magpapalamig sa kanilang bahay o mga establisimyento. Ito ay magreresulta sa mataas na konsumo ng kuryente na makakabawas sa supply at magpapataas ng demand ng ating kuryente sa bansa, na maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo ng kuryente.
Ang ZAMECO 1 ay naka Full Load Exposure sa WESM dahil Kasalukuyan tayong nasa proseso ng pagkakaroon ng kontrata ng para sa ating supply ng kuryente.
Pinapaalalahanan po namin ang lahat na maging masinop sa paggamit ng kuryente.Hindi lang ang ating mga personal na gastusin ang makikinabang, kundi pati na rin ang ating kalikasan. Ang wastong paggamit ng kuryente ay nakakatulong sa pagbabawas ng polusyon. Kaya’t maging masinop tayo sa bawat aspeto ng ating paggamit ng enerhiya. Ang bawat hakbang, gaano man kaliit, ay may malaking epekto sa ating kapaligiran at sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.