Electricity Rate Update para sa buwan ng HUNYO 2025 

Mga Minamahal naming Member-Consumer-Owners, 

Nais po naming ipabatid sa inyo ang presyo ng kuryente para sa buwan ng HUNYO 2025 at magbigay ng ilang mahahalagang paalala: 

🔌 Rate ng Kuryente sa Hunyo 2025: ₱8.2031 kada kWh

  • 📉 Mas mababa ito ng ₱0.4951 kada kWh kumpara sa rate noong Mayo 2025. 

💡 Mga Dahilan ng Pagbaba ng Singil: 

  • Pagbaba ng Generation Rate ngayong buwan 
  • Bahagyang pagbaba ng System Loss Charge 
  • Pagbaba rin ng ilang singil tulad ng Government Taxes.

 💬 Paalala: 

Pinapaalalahanan ang lahat na maging masinop sa paggamit ng kuryente upang maibsan ang napakataas na demand ng kuryente ngayong tag-init. 

Patuloy po kaming nagsusumikap na maihatid ang maaasahan at abot-kayang serbisyo ng kuryente. Maraming salamat sa inyong tiwala at suporta. Abangan ang iba pang mahahalagang update!