



POWER RATES FOR JULY 2026
Residential: ₱12.8025/kWh
Low Voltage: ₱12.0172/kWh
High Voltage: ₱10.2118/kWh
Nais ipaalam ng ZAMECO I sa lahat ng mga Member-Consumer-Owners (MCOs) na ang singil sa kuryente para sa mga residential consumer sa Hulyo 2026 ay ₱12.8025 kada kilowatt-hour (kWh). Ito ay tumaas ng ₱0.9014/kWh kumpara sa singil noong Hunyo 2026 na ₱11.9011/kWh.
Tumaas din ang singil para sa Low Voltage sa ₱12.0172/kWh (dagdag na ₱0.9643/kWh), at ang High Voltage sa ₱10.2118/kWh (dagdag na ₱0.8387/kWh), kumpara noong Hunyo 2026.
ANG PANGUNAHING DAHILAN NG PAGTAAS NA ITO AY ANG PAGTAAS NG GENERATION CHARGE, KASABAY NG PAGTAAS SA TRANSMISSION, AT TAXES/VAT.
Para sa Hulyo 2026, ang Total Generation Charge ay umabot sa ₱7.5245/kWh, na dagdag na ₱0.7147/kWh mula sa ₱6.8098/kWh noong Hunyo 2026. Ang generation charge ay nakabatay sa halaga ng biniling kuryente mula sa power suppliers at market, kaya maaari itong magbago depende sa kondisyon ng supply, demand, at presyo sa merkado ng kuryente.
Bukod sa generation charge, tumaas din ang Transmission charge sa ₱1.1267/kWh (dagdag na ₱0.0627/kWh), at ang Taxes/VAT sa ₱1.0751/kWh (dagdag na ₱0.0537/kWh), kumpara sa Hunyo 2026.
Alinsunod sa ERC Advisory na inilabas noong Mayo 5, 2026 sa ilalim ng Executive Order No. 110, ipinatupad ng ZAMECO I ang Staggered Payment Scheme o ang paghahati hati ng kabuuang singil ng generation charge sa mga susunod na billing periods, upang mabawasan ang agarang epekto ng pagtaas ng presyo ng kuryente sa bill ng mga MCO.
Samantala, nananatiling ₱1.4640/kWh ang distribution charge ng ZAMECO I. Hindi ito nagbago mula pa noong 2011, na nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng kooperatiba na mapanatiling stable ang cost sa distribusyon ng kuryente para sa kanilang mga MCO.
Narito ang paghahati ng bawat piso na binabayaran ng mga MCO para sa Residential rate ngayong Hulyo 2026: Generation – 58.77%, Distribution (ZAMECO I) – 11.43%, Transmission (NGCP) – 8.80%, Taxes – 8.40%, System Loss – 6.42%, at Others – 6.18%. Higit sa kalahati ng bawat kWh na binabayaran ay napupunta sa presyo ng biniling kuryente (generation), at hindi sa ZAMECO I.
Ang singil sa kuryente ay maaaring magbago buwan-buwan bunga ng kalagayan ng merkado at pagbabago sa halaga ng supply ng kuryente.
Hinihikayat ng ZAMECO I ang lahat ng MCOs na magsagawa ng mga responsableng gawain sa paggamit ng kuryente at gumamit ng mga energy-efficient na kagamitan at pamamaraan upang makatulong sa pagkontrol ng kanilang buwanang konsumo at bayarin sa kuryente.