Electricity Rate Update para sa buwan ng ABRIL 2025
Mga minamahal naming Member-Consumer-Owners,
Nais naming ipaalam sa inyo ang halaga ng kuryente para sa Marso 2025 at magbigay ng ilang mahahalagang update:
Abril 2025 Rate ng Kuryente:8922 pesos kada kWh
- Mas mataas ng 2.2145 pesos kada kWh kumpara noong Marso 2025
Mga Dahilan ng Pagtaas:
- Mataas ang presyo ng kuryente sa Merkado o mas kilala sa tawag na WESM (Wholesale Electricity Spot Market)
- Mataas ang demand sa kuryente dahil sa init ng panahon, na nagreresulta sa mataas na presyo ng kuryente sa merkado.
Kung ihahambing ang singil sa kuryente noong Abril 2024 na 12.1143 pesos kada kWh, mas mababa pa rin ang electricity rate ngayong Abril 2025 na nasa 8.8922 pesos kada kWh—may kabuuang pagkakaiba na 3.2221 pesos kada kWh.
Pinapaalalahanan ang lahat na maging masinop sa paggamit ng kuryente upang maibsan ang napakataas na demand ng kuryente ngayong tag-init.
Nananatili kaming nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng maaasahan at abot-kayang kuryente Manatiling nakatutok para sa higit pang mga update at salamat sa iyong patuloy na suporta!