



POWER RATES FOR JUNE 2026
Residential: ₱11.9011/kWh
Low Voltage: ₱11.0529/kWh
High Voltage: ₱9.3731/kWh
Nais ipaalam ng ZAMECO I sa lahat ng kanilang mga Member-Consumer-Owners (MCOs) na ang singil sa kuryente para sa mga residential consumer sa Hunyo 2026 ay ₱11.9011 kada kilowatt-hour (kWh). Ito ay tumaas ng ₱1.3167/kWh kumpara sa singil noong Mayo 2026 na ₱10.5844/kWh.
ANG PANGUNAHING DAHILAN NG PAGTAAS NA ITO AY ANG PAGTAAS NG GENERATION CHARGE O ANG PRESYO NG BINILING KURYENTE.
Para sa Hunyo 2026, ang Total Generation Charge ay umabot sa ₱6.8098/kWh. Ang generation charge ay nakabatay sa halaga ng biniling kuryente mula sa power suppliers at market, kaya maaari itong magbago depende sa kondisyon ng supply, demand, at presyo sa merkado ng kuryente.
Mapapansin din sa bill ang hiwalay na pagpapakita ng Ancillary Services Charge, alinsunod sa ERC Resolution No. 04, Series of 2026, na nagpatupad ng Supplemental Guidelines sa ERC Resolution No. 14, Series of 2022. Ang Ancillary Services Charge ay hindi bagong singil o dagdag na bayarin, kundi hiwalay na pagpapakita lamang ng existing transmission-related pass-through costs.
Patuloy ding ipinatutupad ang pansamantalang suspensyon ng GEA-All charge na ₱0.0371/kWh para sa billing period ng Hunyo 2026. Dahil dito, nananatiling ₱0.0000/kWh ang GEA-All charge para sa Hunyo 2026, na nakatulong upang bahagyang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng bills ng mga konsyumer.
Samantala, nananatiling ₱1.4640/kWh ang distribution charge ng ZAMECO I. Hindi ito nagbago mula pa noong 2011, na nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng kooperatiba na mapanatiling stable ang cost sa distribusyon ng kuryente para sa kanilang mga MCO.
Ang singil sa kuryente ay maaaring magbago buwan-buwan bunga ng kalagayan ng merkado at pagbabago sa halaga ng supply ng kuryente.
Hinihikayat ng ZAMECO I ang lahat ng MCOs na magsagawa ng mga responsableng gawain sa paggamit ng kuryente at gumamit ng mga energy-efficient na kagamitan at pamamaraan upang makatulong sa pagkontrol ng kanilang buwanang konsumo at bayarin sa kuryente.